In continual adherence to President Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr’s directive to ensure care for the welfare of our countrymen in Israel, our OWWA Team in Israel personally visited some of our OFWs who are currently being treated in the hospital or recovering.
Welfare Officer Karen Padduyao greeted the condition of our countrymen and reached out relief packages in support of their daily needs as they recover.
In addition, MWO-Israel’s lawyer is also helping to make sure OFWs get the benefits and assistance they deserve.
DMW-OWWA continues to monitor the situation of OFWs in the affected areas, partnering with the Embassy and FilCom leaders in Israel, to ensure that no Filipino will be left behind in times of crisis.
Welfare at legal support, hatid ng OWWA sa OFWs na nasugatan sa gitna ng gulo sa Israel
Bilang patuloy na pagtalima sa direktiba ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr na tiyakin ang pangangalaga sa kapakanan ng ating mga kababayan sa Israel, personal na binisita ng ating OWWA Team sa Israel ang ilan sa ating mga OFWs na kasalukuyang ginagamot sa ospital o nagpapagaling.
Kinumusta ni Welfare Officer Karen Padduyao ang kalagayan ng ating mga kababayan at nag-abot ng mga relief packages bilang suporta sa kanilang araw-araw na pangangailangan habang sila ay nagpapagaling.
Bukod dito, tumutulong rin ang abogado ng MWO-Israel upang matiyak na makukuha ng mga OFW ang mga benepisyo at tulong na nararapat para sa kanila.
Patuloy ang DMW-OWWA sa pagtutok sa kalagayan ng mga OFW sa mga apektadong lugar, katuwang ang Embahada at FilCom leaders sa Israel, upang matiyak na walang Pilipinong maiiwan sa panahon ng kagipitan.