Three young children of OFWs were recognized today, June 7, in an awarding ceremony held at OSHC Compound, Quezon City. This is in conjunction with the Groundbreaking Ceremony of the new DMW Central Office and National Reintegration Center for OFWs (NRCO) to be built.

Poster making contest was held to recognize the talent of young OFWs and for them to express their feelings and experiences through art. With the theme “Bayan, Bayani, Bayanihan”, the participants showed creative interpretation of the role of migrant Filipino workers in shaping a stronger country.

OWWA Admin PY Caunan led the awarding of winners, including:
– Princess LJ Reeder, 12 years old, daughter of a truck driver in Poland;
– Jesse Michiko Cotelo, 15 years old, son of a skills assessor in Ethiopia;
– Rya Brythm Morada, 16 years old, daughter of a bartender in Japan.

Apart from the main winners, 12 other youth participants were also given recognition in support of their talent and participation in the competition.

One of the winners, Ryan Brythm Morada, shared an inspirational message about his artwork that shows the resilience of an OFW despite ordeal—a reminder that their sacrifice is not only for the family, but also for the nation.

“I really thought that OFWs are so strong because they are forcing them to stand up and continue what is their reason why they are there. OFWs are not just ordinary people, they are all incredible people that we didn’t expect that their impact in our lives will be like that. ” we are not Morada.

In the message of Admin PY, he emphasized the continuous support of OWWA and DMW to programs aimed not only to OFWs but also to their families: “We po sa OWWA and the DMW, have programs that have been done and are continuing to do for the children of our fellow OFWs […] ] We continuously recognize the creativity of young OFWs. We want to give them a chance to showcase their talents and be inspired to pursue their dreams. “

DMW Secretary Hans Leo J is also included in the program. Cacdac, which led the groundbreaking ceremony and expressed its full support to the initiatives of the National Reintegration Network (NRN) to further expand reintegration services for OFWs and their families.

The awarding ceremony is part of the celebration of the 30th National Migrant Workers’ Day, an annual celebration that honors the valuable contributions of OFWs as pillars of their families and the country.


Tatlong kabataang anak ng OFWs, kinilala sa kanilang angking husay sa arts ngayong National Migrant Workers’ Day

Tatlong kabataang anak ng OFWs ang kinilala ngayong araw, Hunyo 7, sa isang awarding ceremony na isinagawa sa OSHC Compound, Quezon City. Ito ay kasabay ng Groundbreaking Ceremony ng itatayong bagong DMW Central Office at National Reintegration Center for OFWs (NRCO).

Ang poster making contest ay isinagawa bilang pagkilala sa talento ng mga kabataang OFW at upang maipahayag nila ang kanilang damdamin at karanasan sa pamamagitan ng sining. Sa temang “Bayan, Bayani, Bayanihan”, nagpakita ang mga kalahok ng malikhaing interpretasyon ng papel ng migranteng manggagawang Pilipino sa paghubog ng mas matatag na bansa.

Pinangunahan ni OWWA Admin PY Caunan ang pagbibigay-parangal sa mga nagwagi, kabilang sina:
– Princess LJ Reeder, 12 taong gulang, anak ng isang truck driver sa Poland;
– Jesse Michiko Cotelo, 15 taong gulang, anak ng isang skills assessor sa Ethiopia;
– Rya Brythm Morada, 16 taong gulang, anak ng isang bartender sa Japan.

Bukod sa mga pangunahing nagwagi, binigyan din ng pagkilala ang 12 pang kabataang kalahok bilang suporta sa kanilang talento at pagsali sa kompetisyon.

Isa sa mga nagwagi, si Ryan Brythm Morada, ay nagbahagi ng inspirational message ukol sa kanyang likhang sining na nagpapakita ng katatagan ng isang OFW sa kabila ng pagsubok—isang paalala na ang kanilang sakripisyo ay hindi lamang para sa pamilya, kundi para rin sa bayan.

“Napaisip po talaga ako na sobrang tatag ng mga OFW dahil pinipilit po nila na tumayo at mapagpatuloy kung ano ang reason po nila kung bakit po sila nandoon. Hindi lang po talaga ordinary people ang mga OFW, they are all incredible people na hindi po namin inaasahan na ganun na pala ang impact nila sa aming buhay.” ani ni Morada.

Sa mensahe naman ni Admin PY ay binigyang-diin niya ang patuloy na suporta ng OWWA at DMW sa mga programang nakatuon hindi lamang sa mga OFW kundi pati na rin sa kanilang mga pamilya: “Kami po sa OWWA at DMW, ay may mga programa na nagawa at patuloy pang ginagawa para sa mga anak ng ating mga Kababayang OFWs […] We continuously recognize the creativity ng mga batang OFWs. Gusto naming mabigyan sila ng pagkakataon na maipakita ang kanilang galing at ma-inspire na ipagpatuloy ang kanilang pangarap.”

Kasama rin sa programa si DMW Secretary Hans Leo J. Cacdac, na nanguna sa groundbreaking ceremony at nagpahayag ng buong suporta sa mga inisyatiba ng National Reintegration Network (NRN) upang mapalawak pa ang serbisyong reintegrasyon para sa mga OFW at kanilang pamilya.

Ang awarding ceremony ay bahagi ng pagdiriwang ng 30th National Migrant Workers’ Day, taunang selebrasyon na nagbibigay-pugay sa mahahalagang kontribusyon ng mga OFW bilang haligi ng kanilang pamilya at ng bansa.