Nothing compares to the pain of losing a loved one especially if they are abroad at the time of their passing. That’s why #OWWA, partnering with DMW and DFA, is wholehearted, in bringing home the remains of our five OFW compatriots from Myanmar, four of whom were victims of the earthquake.
The cremated remains of Alexis Gale Concepcion Adalid, Edsil Jess Agan Adalid, Francis G. Aragon, at Barren M. Barcelona. From the airport to careful handling of transport back to their provinces, our government agencies ensured dignified and caring return to their families.
As active members of OWWA, the death and burial benefits for the Adalid siblings were immediately processed, including the assistance under the Education and Livelihood Assistance Program (ELAP) for their loved ones left behind, with the help of the Regional Offices of OWWA. Families of the victims also received Action Fund assistance from DMW.
This is service with a heart for an OFW. In the spirit of the New Philippines, let us serve with heart, courage, and with genuine concern for every OFW and their families, wherever they are in the world.
Labi ng mga OFW na nasawi sa Myanmar noong Marso, nakauwi na sa bansa
Walang kapantay ang sakit ng mawalan ng mahal sa buhay lalo na kung sila’y nasa ibang bansa sa oras ng kanilang pagpanaw. Kaya’t buong puso ang pagharap ng #OWWA, katuwang ang DMW at DFA, sa pag-uwi ng mga labi ng ating limang kababayang OFW mula Myanmar, kung saan apat ay naging biktima ng lindol.
Dumating noong sabado, Mayo 24, ang mga cremated remains nina Alexis Gale Concepcion Adalid, Edsil Jess Agan Adalid, Francis G. Aragon, at Barren M. Barcelo. Mula sa airport hanggang sa maingat na pag-aasikaso ng transportasyon pabalik sa kanilang mga probinsya, tiniyak ng ating mga ahensya ng pamahalaan ang marangal at maalagang pagbabalik sa piling ng kanilang mga pamilya.
Bilang mga aktibong miyembro ng OWWA, agad ding naiproseso ang death and burial benefits para sa magkapatid na Adalid, kasama ang tulong sa ilalim ng Education and Livelihood Assistance Program (ELAP) para sa kanilang mga naiwang mahal sa buhay, sa tulong ng mga Regional Offices ng OWWA. Ang pamilya ng mga nasawi ay nakatanggap rin ng Aksyon Fund assistance mula sa DMW.
Ito ang serbisyong may puso para sa OFW. Sa diwa ng Bagong Pilipinas, mulat tayong maglingkod nang may puso, may tapang, at may tunay na malasakit sa bawat OFW at kanilang pamilya, nasaan man sila sa mundo.