The Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) extends its deepest condolences to the family and loved ones of Ma’am Wilma C. Auza, a hardworking OFW from Kuwait, who passed away last August 4, 2025 while she was supposed to return to her home in Dumaguete. According to the report, his death was caused by cardiac arrest while traveling.

Ma’am Wilma is not just an OFW, but a mother, wife, and friend who has steadfastly sacrificed for her family’s future. His dedication and love are proof of the strength and patriotism of our Filipino workers abroad.

OWWA has talked to his family and continues to reach out to extend their heartfelt condolences, support, and financial assistance allocated for them under the existing programs for the welfare of the families of our OFWs bereaved.

OWWA continues to serve wholeheartedly and care for every OFW and their families. In this time of mourning, we are one with Mrs. Wilma’s family in remembering her life and the sacrifices made for her loved ones.

Again our deepest condolences.


OPISYAL NA PAHAYAG NG OWWA SA PAGPANAW NI GNG. WILMA C. AUZA, OFW MULA SA KUWAIT

Buong pakikiramay pong ipinapaabot ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) sa pamilya at mga mahal sa buhay ni Ginang Wilma C. Auza, isang masipag na OFW mula sa Kuwait, na pumanaw noong Agosto 4, 2025 habang siya ay pauwi na sana sa kanilang tahanan sa Dumaguete. Batay sa ulat, ang kanyang pagpanaw ay sanhi ng cardiac arrest habang nasa byahe.

Si Ginang Wilma ay hindi lamang isang OFW, kundi isang ina, asawa, at kaibigan na matatag na nagsakripisyo para sa kinabukasan ng kanyang pamilya. Ang kanyang dedikasyon at pagmamahal ay patunay ng tibay at kabayanihan ng ating mga manggagawang Pilipino sa ibang bansa.

Nakausap na po ng OWWA ang kanyang pamilya at patuloy na nakikipag-ugnayan upang maipaabot ang taos-pusong pakikiramay, suporta, at tulong-pinansyal na nakalaan para sa kanila sa ilalim ng mga umiiral na programa para sa kapakanan ng mga naiwang pamilya ng ating mga OFW.

Ang OWWA ay patuloy na nagseserbisyo nang buong puso at may malasakit para sa bawat OFW at kanilang pamilya. Sa ganitong panahon ng pagluluksa, kami ay kaisa ng pamilya ni Ginang Wilma sa pag-alala sa kanyang buhay at mga naiambag na sakripisyo para sa kanyang mga mahal sa buhay.

Muli, ang aming taos-pusong pakikiramay.