After a lot of ordeal, the 22 Filipino seafarers aboard the ship MV Grande Brasile, which caught fire en route to France, have safely returned home to the country. They immediately turned to OWWA for help, and they weren’t disappointed—they were immediately given the financial help to get back on their feet.
OWWA Administrator Arnell Ignacio also shares the good news that more Seafarers’ Hubs will be built nationwide! This is part of OWWA’s ongoing efforts to ensure the safety, welfare, and smooth reintegration of our sailors.
At OWWA, you are not alone. We’re here to make sure you have something to run to in times of need!
22 Pinoy Seafarers na sakay ng MV Grande Brasile, sinalubong at binigyan ng tulong ng OWWA
Matapos ang matinding pagsubok na kanilang pinagdaanan, ligtas nang nakauwi sa bansa ang 22 Filipino seafarers na sakay ng barkong MV Grande Brasile, na nasunog habang patungo sa France. Agad silang nagtungo sa OWWA upang humingi ng tulong, at hindi naman sila nabigo—agad silang nabigyan ng tulong pinansyal upang muling makabangon.
Ibinahagi rin ni OWWA Administrator Arnell Ignacio ang magandang balita na mas marami pang Seafarers’ Hub ang itatayo sa buong bansa! Ito ay bahagi ng patuloy na pagsisikap ng OWWA na tiyakin ang kaligtasan, kapakanan, at maayos na reintegrasyon ng ating mga marino.
Sa OWWA, hindi kayo nag-iisa. Nandito kami upang tiyakin na may matatakbuhan kayo sa oras ng pangangailangan!