F E A T U R E D  V I D E O S

Ngayong National Women’s Month, tunghayan natin ang mensahe ni Admin Arnell Ignacio para sa lahat ng Kababaihan.

Mabuhay ang lahat ng Kababaihan!

Alam namin ang hirap ng matagal na paghihintay ng flight, kaya naman may OFW Lounges sa NAIA Terminal 1 at 3 para sa inyong pahinga at ginhawa bago bumiyahe!

Panoorin ang panayam ng UNTV kay OWWA Deputy Administrator for Operations Mary Melanie Quiño at ilang mga OFWs tungkol sa kahalagahan ng OFW Lounges at kung paano nito pinapadali ang biyahe ng ating mga Kababayan.

Video courtesy of UNTV

Mula sa lamay ni OFW Nacalaban, hindi na nagdalawang-isip si Admin Arnell, matapos marinig ang sinapit ni OFW Leslie, agad siyang bumiyahe ng walong (8) oras mula Molave, Zamboanga del Sur patungong Zamboanga City. Pagod man at puyat, bitbit niya ang agarang tulong at aksyon para kay Leslie.