OWWA Rebate Program

Ang OWWA Rebate Program ay alinsunod sa OWWA Act o Republic Act 10801 na nagsasaad ng  pagbibigay ng kaukulang halaga  sa mga miyembro ng OWWA ng 10 taon o higit pa at hindi nakinabang ng anumang programa, serbisyo o benepisyo mula sa ahensya. 

Ang OWWA rebate ay porsiyento lamang ng kabuaang halaga ng contribution sa OWWA. Hindi ito refund o cashback ng buong OWWA contribution.

Mabibigyan ng OWWA rebate ang mga sumusunod:

  • OFWs na naging OWWA member ng 10 taon o higit pa hanggang December 31, 2017 (cut-off period)
  • Nakapagbayad ng lima (5) o higit pang membership contribution;
  • Hindi nakatanggap kailanman ng anumang programa o serbisyo ng OWWA ang OFW o kanyang pamilya;
  • Legal beneficiary ng namatay na QUALIFIED OFW

Ang qualified OFW ay makakatanggap mula Php 941.25 hanggang Php 13,177.50 batay sa bilang ng kanyang kontribusyon.

Number of ContributionsRebate Amount
5941.25
61,129.50
71,317.75
81,506
91,694.26
101,882.50
203,765
305,647.50
407,530
509,412.50
6011,295
C7013,177.50
  1. Bisitahin ang OWWA Rebate Portal
  2. Sagutan ang Online Verification Form – kung qualified sa rebate, makikita ang halaga ng makukuha.
  3. Pumili ng araw, oras, at OWWA Regional Welfare Office para sa appointment at verification ng supporting documents ng beneficiary.
  4. Makakatanggap ng text message / SMS na naglalaman ng iyong appointment code.
  5.  Sa napiling araw at lugar ng appointment, ipakita ang natanggap na appointment code kasama ng one (1) valid government-issued ID, para sa verification.
  6. Ibigay ang bank account details (DBP o PESONet ACH participants) kung saan idedeposito ng OWWA ang halaga ng iyong rebate.

Mabibigyan ng OWWA rebate ang mga sumusunod:

  • Kung ang OFW ay kasalukuyang pa ding may employment contract sa ibang bansa, maaaring gamitin ang rebate claim sa renewal ng OWWA membership.
  • Maaaring i-donate ang rebate claim sa Tuloy Aral Project (TAP) ng OWWA para makatulong sa pag-aaral ng anak ng mga kapos palad nating mga OFWs.
  • May OFW Rebate Program Help Desk sa lahat ng OWWA Regional Welfare Offices para sa anumang katanungan hinggil  sa pagkuha ng rebate;
  • Maaari ding tumawag sa OWWA Hotline 1348,

Oo. Gayunpaman, ang availment ay dapat alinsunod sa guidelines at policy ng programa o serbisyo na nais applayan.

Ipakita ang appointment code na ipapadala sa pamamagitan ng text message (SMS) at isang valid goverment-issued ID (OWWA e-CARD / Passport / Company ID / NBI clearance / other government-issued IDs kagaya ng Postal ID, SSS, GSIS, Driver’s License, PRC, Senior Citizen’s ID, Voters ID)

  • Kung ang OFW ay nasa ibang bansa pa, maaaring siya ang mag-online application para makakuha ng appoinment. Maaaring ang itinalagang miyembro ng kanyang pamilya dito sa Pilipinas ang mag-claim ng kanyang rebate sa kanyang napiling pick-up location.
  • Kung ang OFW ay may malubhang sakit, maaaring ang kanyang pamilya ang magproseso ng kanyang rebate.
  • Maaari ding ang pamilya ang magproseso ng OWWA rebate ng OFW kung siya ay pumanaw na, basta’t ang OFW ay qualified sa rebate.

Kailangang ipakita ng itinalagang miyembro ng pamilya sa napiling OWWA Regional Welfare Office o provincial distribution center ang mga sumusunod:


Kung ang OFW ay nasa ibang bansa:

  • appointment code
  • authorization letter mula sa OFW
  • proof of relationship sa OFW (e.g marriage contract, birth certificate)
  • 1 valid ID ng OFW at authorized representative.


Kung ang OFW ay may malubhang sakit:

  • appointment code
  • medical certificate
  • authorization letter na may pirma o thumbark ng OFW
  • proof of relationship sa OFW (e.g. marriage contract, birth certificate)
  • 1 valid ID ng OFW at authorized representative

Magrehistro sa link na portal na ito