OWWA OFW e-CARD

Ang OWWA OFW e-CARD ay katibayan ng pagiging active member ng OWWA na naglalayong mapabilis ang pag-access sa mga programa at serbisyo ng OWWA. Ito rin ay kinikilalang government-issued ID at maaaring iprisinta sa anumang Philippine Overseas Labor Office (POLO) at Embahada o Konsulado sa ibang bansa sa sandaling mangailangan ng tulong o serbisyo.

Lahat ng Balik-Manggagawa na may active OWWA membership, valid Overseas Employment Certificate/Exemption Number at valid passport ay maaaring mag-apply ng OFW e-CARD. Tandaan na dapat ay may bisa pa ng higit sa 90 araw ang iyong OWWA membership mula sa araw ng iyong application para makakuha ng OFW e-CARD.

Sa kasalukuyan ay nasa Phase 1 pa lamang ang OWWA OFW e-CARD kaya’t mga Balik-Manggagagawa muna ang unang mabibigyan. Ilulunsad din sa mga susunod na buwan ang Phase 2 ng OFW e-CARD kung saan ang ibang active member ng OWWA na hindi nakasama sa Phase 1 ay maaari na din mag-apply ng OWWA OFW e-CARD.

Ayon sa POEA Rules and Regulations, ang Balik-Manggagawa ay isang OFW na nakatapos o kasalukuyang tinatapos ang employment contract at:

a. Babalik sa parehong amo / employer sa dating lugar ng trabaho
b. Babalik sa parehong amo / employer sa bagong lugar ng trabaho

Ang mga new-hires, direct-hires, at Government Placement Branch (GBP)-hired workers ay HINDI kabilang sa mga Balik-Mangagagawa.

Ang OWWA OFW e-CARD ay mayroong ibat-bang benepisyo para sa mga active OWWA member, katulad ng mga sumusunod:

1. Mas mabilis na pag-avail sa mga programa at serbisyo ng OWWA
2.Magsisilbing exit clearance palabas ng bansa
3. Pagkakaroon ng Digital OWWA OFW e-CARD sa OWWA Mobile App na maaaring gamitin tulad din ng OWWA OFW e-CARD
4. Pagkakaroon ng permanenteng OWWA / OFW membership number
5. Kinikilalang goverment-issued identification card

Para malaman ang status ng OWWA Membership, maaari ninyong i-download ang OWWA Mobile App sa inyong smart phone. Libre ito sa Google Play at App Store. Maaari din kayong pumunta sa POLO-OWWA kung ikaw ay nagtratrabaho sa ibang bansa o di kaya’y sa pinakamalapit na OWWA Regional Welfare Office sa inyong lugar kung ika’y nasa Pilipinas.

Kung expired na ang inyong OWWA membership ngunit mayroon pa ding aktibong kontrata, maaari kayong magrenew sa mga sumusunod na pamamaraan:

  • Online – I-download ang OWWA Mobile App para mag-renew at mag-update ng OWWA membership gamit ng iyong cellphone.
  • Sa Abroad – Magtungo sa POLO-OWWA office sa inyong bansa.
  • Sa Pilipinas – Pumunta sa OWWA Regional Welfare Offices at sa mga satellite offices ng OWWA na matatagpuan sa POEA Ortigas, NAIA Terminal 1,2, at 3, Trinoma, at sa Duty Free Fiesta Mall.

Sundin lamang ang mga sumusunod:

1. Bisitahin ang ecard.owwa.gov.ph
2. Ilagay ang mga hinihinging impormasyon
3. Piliin kung saang OWWA Regional Welfare Office kukunin ang OFW e-CARD
4. I-check ang Data Privacy Act at Captcha
5. I-click ang “Submit” button kapag nasagutan na lahat ng hinihingi
6. Mayroong makikitang tracking number bilang patunay na natanggap ang inyong aplikasyon para sa OWWA OFW e-CARD
7. Ilagay ang e-mail address o Facebook profile name para malaman ang status ng OWWA OFW e-CARD
8. Kunin ang OWWA OFW e-CARD sa napiling OWWA Regional Welfare Office

Ang mga Balik-Manggagawa na exempted sa pagkuha ng OEC ay dapat mag-register sa POEA Balik-Manggagawa Online para makakuha ng BM Exemption Number. Sa halip na OEC number, maaaring ilagay ang inyong BM Exemption Number sa Online Application Form para sa OWWA OFW e-CARD.

Hanapin sa online application form ang mga pwedeng pagpiliang OWWA Regional Welfare Office kung saan mo gustong ma-pick up ang inyong OWWA OFW e-CARD.

Oo. Ang mga Balik-Manggagawa na nasa abroad pa ay maaaring mag-apply ng OWWA OFW e-CARD online. Sa kasalukuyan, ang pick-up location para sa OFW e-CARD ay limitado sa OWWA Regional Welfare Offices sa Pilipinas. Maaaring kunin ng OFW ang kanyang OWWA OFW e-CARD pagdating niya sa bansa.

Pwede. Magbigay lamang ang OFW ng Authorization Letter sa otorisadong kamag-anak kalakip ang kopya ng Passport Identification Page ng OFW at iprisinta ito sa napiling OWWA Regional Welfare Office.

Ang OWWA OFW e-CARD ay libre lang sa unang pagkuha. Makipag-ugnayan sa pinakamalapit na OWWA Regional Welfare Office para sa impormasyon kung paano makakuha ng panibagong OWWA OFW e-CARD.

Magrehistro sa link na portal na ito