As of yesterday, June 24, 8:00 PM, Full Activity Status in Israel has been implemented again. That means, schools, churches, and offices or establishments can now open—except those in the Gaza Envelope. There is no limit to gatherings and worship gatherings.
At the same time, the Philippine Embassy once again reminded our Filipino compatriots in Israel to stay vigilant and updated on the official safety guidelines.
For further assistance and information, feel free to contact OWWA Hotline 1348 or message our Viber, WhatsApp, and Messenger accounts.
Full Activity Status na muli sa Israel!
Simula kahapon, Hunyo 24, 8:00 PM, ipinatupad na muli ang Full Activity Status sa Israel. Ibig sabihin, maaari nang buksan ang mga paaralan, simbahan, at mga opisina o establisyimento—maliban sa mga nasa Gaza Envelope. Wala na ring limitasyon sa mga pagtitipon at worship gatherings.
Kasabay nito, muling pinaalalahanan ng Philippine Embassy ang ating mga kababayang Pilipino sa Israel na manatiling maingat at updated sa mga official safety guidelines.
Para sa karagdagang tulong at impormasyon, huwag mag-atubiling tumawag sa OWWA Hotline 1348 o mag-message sa aming Viber, WhatsApp, at Messenger accounts.