Under the directive of President Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr and under the One Country Team Approach of the government, the help and support of government agencies led by the DFA, DMW and OWWA for Filipino Seafarers continues.
With this, OWWA Administrator Arnell Ignacio instructed the Repatriation Assistance Division (OWWA-RAD) to make sure that all their needs such as financial assistance, counseling, and stress debriefing were provided so that they can recover from their rough experiences in earning a living. Admin Arnell added that OWWA continues its keen relationship with Sea Power Shipping Enterprises Inc, the manning agency of Filipino Seafarers as they undergo physical and mental examination for their preparation for their glorious return to their families in different places. Other provinces in the Philippines.
OWWA continues to assist in tracking their recovery period due to the impact of their one year imprisonment. In case they are willing to work again on the ship, they can now avail the OWWA Seafarers Upgrading Program (SUP) and Skills for Employment Scholarship Program (SESP) for those who wish to enhance their knowledge as Seafarers.
OWWA continues to look out for the welfare of our Filipino Seafarers while they are home and in their resurgence overseas.
17 Filipino Seafarers ng M/V Galaxy Leader mula Yemen, nakauwi na sa bansa!
Nakarating ngayong gabi sa NAIA Terminal 1 ang 17 Filipino Seafarers na kamakailan ay pinalaya sa Yemen makalipas ang isang taong pagkakabihag.
Sa direktiba ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr at sa ilalim ng One Country Team Approach ng pamahalaan, patuloy ang tulong at suporta ng mga ahensya ng gobyerno sa pangunguna ng DFA, DMW at OWWA para sa mga Filipino Seafarers.
Dahil dito, Ipinag-utos ni OWWA Administrator Arnell Ignacio sa Repatriation Assistance Division (OWWA-RAD) na siguraduhin na naibigay lahat ang kanilang pangangailangan tulad ng tulong pinansyal, counseling, at stress debriefing upang sila ay makabangon muli dahil sa kanilang malupit na karanasan sa paghahanapbuhay. Dagdag pa ni Admin Arnell na patuloy ang masigasig na pakikipag ugnayan ng OWWA sa Sea Power Shipping Enterprises Inc, ang manning agency ng mga Filipino Seafarers habang sila ay sumasailalim sa physical and mental examination para sa kanilang paghahanda sa maluwalhating pagbalik sa kani kanilang mga pamilya sa iba’t ibang probinsya sa Pilipinas.
Patuloy din ang tulong ng OWWA sa pagsubaybay sa kanilang recovery period dahil sa epekto ng kanilang pagkakabihag ng isang taon. Kung sakaling sila ay handa ng muling magtrabaho sa barko, maaari na nilang i-avail ang OWWA Seafarers Upgrading Program (SUP) at Skills for Employment Scholarship Program (SESP) para sa mga nais paigtingin ang kanilang mga kaalaman bilang Seafarers.
Ang OWWA ay patuloy na kakalingain ang kapakanan ng ating mga Filipino Seafarers habang sila ay nasa bansa at sa kanilang muling paghahanapbuhay sa ibayong dagat.