F E A T U R E D  V I D E O S

Mula sa pagiging OWWA scholar, ngayon ay 14 taon na siyang nagsisilbi sa kapwa OFW at pamilya—sa ahensiyang minsang tumulong sa kanya.
Kabayan, baka ikaw na ang susunod!
Magbubukas na ang aplikasyon para sa OWWA Scholarship Programs mula Hulyo 16 hanggang Hulyo 31, 2025.
EDSP o ODSP—alin ang swak para sayo? Alamin dito: https://bit.ly/EDSPorODSP

Mas pinatibay ang adbokasiya para sa kalusugan at kapakanan ng ating mga OFWs!
Opisyal nang lumagda ang OWWA at LoveYourself Inc. sa isang kasunduan para sa OWWA Health and Empowerment Series—isang makabuluhang inisyatiba na magdadala ng kaalaman at suporta sa mga isyung gaya ng HIV awareness, mental health, reproductive rights, digital safety, at iba pa.
Layunin ng programang ito na palakasin ang boses ng ating mga OFW, bigyan sila ng tamang impormasyon, at tiyaking may mapagkakatiwalaang sandigan sila sa mga usaping pangkalusugan at personal na kapakanan.
Walang maiiwan, lalo na pagdating sa usaping tunay na mahalaga

Balikan natin ang makabagbag-damdaming pag-uwi ng 31 repatriated OFWs na bumalik sa Pilipinas matapos mag-avail ng voluntary repatriation program ng pamahalaan bunsod ng patuloy na tensyon sa pagitan ng Israel at Iran.
Karamihan sa mga umuwi ay mga caregivers at hotel workers mula Israel, pati na rin mga domestic workers mula Jordan, Palestine, at Qatar. Ligtas silang nakarating sa bansa noong Hunyo 24, sa ilalim ng masinsinang koordinasyon ng iba’t ibang ahensya ng gobyerno.
Panoorin ang panayam ng OWWA sa ating mga kababayang OFWs, sa kanilang pamilya na buong pusong sumalubong, at kay Admin PY Caunan na personal na nakiisa sa kanilang pagbabalik.
Panoorin ang buong kwento dito.